WALA na umanong planong maghain ng reklamo ang isang babaeng miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) laban kay Honeylet Avanceña, ang commo- law wife ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte .
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PBGen. Jean Fajardo, personal na desisyon ng nasabing pulis na huwag nang magsampa ng kaso.
Ani Fajardo, napag-isip-isip ng pulis na kaakibat ng kanyang trabaho bilang isang alagad ng batas na masaktan sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
“Okay lang siya. Magpapagaling siya, back to work sya,” ani Fajardo.
Matatandaang nagtamo ng malaking bukol sa ulo ang naturang pulis matapos mapukpok ng cellphone ni Honeylet sa kasagsagan ng pag-aresto kay FPRRD, nang isilbi ng INTERPOL ang notice ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) at ipinatupad naman ng PNP-CIDG.
Unang napaulat na mahaharap si Honeylet sa kasong ‘assault upon a person in authority’ dahil sa pagpukpok sa ulo ng isang pulis.