ISANG tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilagay sa ‘preventive custody’ dahil sa kinakaharap nitong kasong administratibo at kasong criminal .
Ayon kay PNP Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, dinisarmahan na rin ng PRO4A ang police vlogger na inaakusahan ng panggagahasa sa isang teller .
Sinabi ni Fajardo na maliban sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal ang pulis at isa pang kasabwat na ‘at-large’.
Ang pulis vlogger ay sangkot diumano sa kasong panggagahasa, kung saan nasa pagamutan pa rin ang biktima nito na isang teller sa sabungan sa Batangas, dahil sa trauma na dinanas sa kamay ng mga suspek.
Lumabas din umano sa isinagawang medico-legal examination na nag-positibo sa sexual assault ang biktima.
Sa ngayon, hinihintay pa ng PNP ang resulta ng toxicology test para mabatid kung drinoga rin ang biktima para patibayin pa ang kasong kinakaharap ng suspek.