Latest News

POLICE VISIBILITY PALALAKSIN NGAYON NASA ALAERT LEVEL 1 NA

MAS paiigtingin ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan kaugnay sa pagluluwag ng quarantine restriction sa Metro manila at 38 iba pang lugar sa basna.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar bunsod ng inaasahang pagdami ng mga taong lalabas bunsod ng pinaluwag na health protocol.

Inihayag din ni PNP-National Capital Regional Police office Director PMaj General Vicente Danao . na nakahanda ang kanilang puwersa sa kalakahang Maynila sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.

Pahayag ni Mgen Danao , ito ay sa harap nang inaasahan nilang mas dadami ang bilang ng mga tao na lalabas sa ilalim ng Alert Level 1.

Aniya, bukod sa pagpapatupad ng kaayusan, kikilos din ang mga pulis sa pagpapaalala sa mga tao na sumunod sa health protocol.

Magugunitang sa lungsod ng Maynila ay inihayag ni Manila l Mayor at Aksyon Demokratiko presidential aspirant na mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask kahit pa ibaba ng DOH at IATF sa alert level 1 ang restriction sa Metro Manila .

Sinasbaing hindi si Aksyon Demokratiko Presidential bet Isko Moreno sa pag-alis ng facemasks sa ilalim ng Alert Level 1 hangga’t hindi sinasabi ng mga designated health authorities.

Sinabi ng alkalde ng Maynila na susunod lamang siya sa isang fact-based decisions na magmumula sa mga health experts at specialists at sa Department of Health. “Kapag sinabi ng mga siyentipiko na alisin na ang facemask, ng DOH or doctors na pwede na, makikinig ako,” sabi ni Moreno.

Tiniyak rin ni Moreno na handa na ang Maynila sakaling tuluyan na ngang maisailalim sa pinakamaluwag na alerto ang rehiyon. “In the case of Manila, kami po ay handa. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read