Latest News

POLICE MOBILE OUTPOST, INILAGAY SA PNP-NCRPO

ISANG mobile police outpost ang itinalaga para sa buong national capital region upang matiyak ang mabilis na pagtugon at tulong ng pulisya 24/7 sa Kalakhang Maynila lalo na sa mga terminal, mga hub ng transportasyon, sa pampubliko/masikip na lugar ng convergence para mahadlangan ang mga criminal activities at mapanatili ang kaayusan.

Ayon kay NCRPO chief BGen Jonnel C. Estomo, ang mobile police outpost ay isang rolling police station para sa mga patroller bilang kanilang standby point at accessible sa mga tao at mahihingan ng anumang tulong na kailangan nila mula sa PNP.

Isa umano ito sa tatak ng Sebisyo ni General Estomo , S.A.F.E. NCRPO kung saan dapat laging nakikita at naramdaman ang presensya ng mga pulis.


Pinangunahan ni NCRPO Spokesperson Lt Col. Dexter Versola at NCRPO PIO Chief Maj Anthony Alising ang sneak peek para sa media people ng isang prototype mobile outpost sa harap ng pinakamalaking exchange terminal sa bansa, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Brgy Tambo, Parañaque lungsod.

Ang outpost na may literal na “mga gulong” na dapat pangasiwaan ng mga pulis na handang tumulong sa publiko sa mga oras ng pangangailangan at palawigin ang mga serbisyong pangkaligtasan.


Ang outpost ay idinisenyo bilang movable para sa madaling paglipat sa ibang mga lugar na nangangailangan ng presensya ng pulis katulad sa mga espesyal na okasyon o kaganapan; sa mga sementeryo lalo na at nalalapit na ang pagdiriwang ng All Saints Day,

Kaugnay nito ay tiniyak ni Gen Estomo na asahan ng mamayan sa Metro manila na maraming pang nakalatag na proyekto ang PNP para sa kapakanan ng at katiwasayan ng sambayanan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: NCRPO chief BGen Jonnel C. Estomo

You May Also Like

Most Read