Latest News

POLICE INTEL, PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPERATION

By: Victor Baldemor Ruiz

Isang kasapi ng police intelligence unit ang napatay nang manlaban ang target ng kanilang inilunsad na law enforcement operation sa Davao City.

Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Office, isisilbi sana ng mga pulisya ang arrest warrant laban sa isang alyas “Osie” sa Barangay Malabog, na nahaharap sa patong-patong na kaso, subalit bago pa maisakatuparan ang payapang pagsisilbi ng hawak nilang warrant ay pinili ng suspek na manlaban kaysa mahuli nang buhay.

Dito na tinamaan si Police Staff Sergeant Noel Marundan na nagresulta sa palitan ng putok sa dalawang panig kung saan napatay din ng iba pang operatiba ang suspek.


Patay ang pulis sa unang bugso ng palitan ng putok, subalit napatay din ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.

Ani Tuazon, nagpakilala ang mga operatiba na mga pulis pero sa halip na sumama, nanlaban umano ang suspek at pinaputukan ang mga awtoridad.

Tags: Davao City Office

You May Also Like

Most Read