Tuluyan nang sinibak sa pwesto ang Director ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) na si Police BGen. Narciso Domingo.
Kahapon ay inihayag ang reassignment order para kay Domingo na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Maior General Robert Rodriguez.
Pansamantalang inilipat si Domingo sa Office of the Chief PNP.
Hinirang namang kahalili ni Domingo sa PDEG si Police BGen. Faro Antonio Olaguera na hinugot mula sa PNP- Logicstics Service.
Matatandaang si Domingo ay kasama sa sa dalawang heheral at walo pang PNP officers na pinangalanan ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr., na sangkot sa umanoy tangkang cover up sa nasabat sa P6.7 billion na shabu sa lending shop ni PMSgt. Rodolfo Mayo sa Maynila noong Oct. 2022.














