DEAD -on -the -spot ang dalawang driver ng bus nang pagbabarilin sila ng isang police officer sa loob ng isang videoke bar na ikinasugat ng isa pa, nitong nakalipas na linggo sa Cotabato City.
Nilalapatan naman ng lunas ang isa pang kasamahan nila na malubha ring nasugatan nang mamaril ang police officer habang nag-iinuman sa isang videoke bar sa national highway sa Osias Villeges sa Kabacan,
Kinilala ni P/ Major Maxim Peralta, Kabacan police chief, ang mga nsawi na sina Akmad Ali Salimula at Mama Sandigan, kapwa 40-anyos, bus driver at residente ng Central Malamote, Matalam.
Ginagamot naman sa ospital ang kasama nilang si Norhan Katom Makakua, 25, konduktor ng bus habang agad namang sumuko ang suspek na kinilalang si Police Captain Romel Magdato Guhiling, 47, ng Midsayap.
โAll of the victims were inside a videoke bar together with the suspect who was seated at the next table. According to the witness, an altercation suddenly happened until Guhiling shot them,โ ani Peralta.
Kasalukuyang nagsasagawa ng follow- up investigation ang mg awtoridad para matukoy ang sanhi ng mainitang argumento ng dalawang panig.
โThe police-suspect was alone in the bar when the incident happened,โ dagdag ni Peralta.
Narekober sa crime scene ang 12 basyo ng ng 9mm pistol na pinaniniwalaang nagmula sa service firearm ng pulis.














