Isang Point-of-Care Testing (POCT) device na makaka-detect ng piling ‘New Psychoactive Substances (NPS)’ o kilala bilang designer drugs, ang nai-develop ng mga researcher mula sa University of the Philippine-Manila.
Gamit ng E-Tox-NPS ang urine samples para sa preliminary detection ng NPS tulad ng ketamine, synthetic cannabinoids at synthetic cathinones.
Napag-alaman na ang ganitong “approach ” ay sumusuporta sa public health para ma-screen ang bagong psychoactive substances na mahalaga sa pagliligtas ng buhay sa mga drug-related emergencies.
Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang Psychotropic Substances ay banta sa public health.
Nagbabala ang UNODC na ang available na NPS sa merkado ay may katulad na epeko sa substance na nasa ilalim ng international control gaya ng cannabis, cocaine, heroin, LSD, ecstasy at methamphetamine.
“The E-Tox-NPS would be very useful because there is no POCT screening kit for NPS available for use in the Philippines. NPS is also not yet included in the drugs of abuse panel in the Philippines. Local screening tests are limited to traditional illicit drugs such as amphetamine and cannabinoids,” ayon kay Dr.Ailyn M. Yabes, lead scientist/inventor at Associate Professor ng Department of Pharmacology and Toxicology, UP Manila College of Medicine and Analytical Toxicology Consultant ng UP-PGH National Poison Management and Control Center.
Ang ETox-NPS screening test ay isang initial test para malaman kung may makikitang NPS pero kinakailangan pa rin ng sensitibong method para makumpirma ang NPS sa ihi.
Napag-alaman na ang team ni Yabes ay naka-develop rin ng device na makaka-detect ng non-accidental poisoning mula sa piling drugs, kabilang na ang paracetamol, isoniazid at salicylate (aspirin poisoning) .
Ang NPS at E-Tox Phx POCT devices ay portable, user-friendly at mura umano.
Samantal, kapwa sumailalim sa analytical validation at nagpakita ng katanggap- tanggap na performance characteristics sa detection, accuracy, precision, sensitivity, specificity at predictive values alinsunod sa industry standards.
Handa na rin umano ang research team na tumanggap ng business partner para sa manufacturing at commercial distribution ng E-Tox POCT at E-Tox-NPS devices.