PNP, UMAPELA KAY QUIBOLOY NA SUMUKO NA LAMANG

By: Victor Baldemor Ruiz

NANAWAGAN kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kay embattled evangelist Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na lamang sa mga awtoridad.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Police Maj. Catherine Dela Rey, Police Region XI spokesperson, na titiyakin nila ang kaligtasan at seguridad ni Quiboloy habang nasa police custody.


Noong Sabado ng umaga ay binasag ni self-proclaimed appointed son of god ang kanyang pananahimik at sinabing hindi siya nagtatago at nais lamang niyang protektahan ang kanyang sarili.

Una ng umapela si Quiboloy kay PNP chief P/General Rommel Francisco Marbil at maging sa NBI na garantiyahan ang kanyang kaligtasan na hindi siya ibibigay sa kamay ng mga Amerikano at handa siya lumutang.

Ayon kay Dela Rey, ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy na sexual abuse at child abuse ay kapwa bailable.


“We believe na nandito pa siya sa Pilipinas o nasa Davao Region pa po siya,” ani Dela Rey.

Nabatid na inaantabayan na ng PNP Police Regional Office XI ang mga tauhan ng Senate sergeant-at-arms office sa Davao City para sa hiwalay na arrest order .


Nilinaw ng PNP na ang tanging papel lamang nila ay ayudahan ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms at matiyak ang kanilang kaligtasan at maging ang ‘safety and security’ ni Quiboloy.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read