PNP-SPECIAL ACTION FORCE ITATALAGA SA LANAO DEL SUR

NAG-DEPLOY ng mga kagawad ng PNP Special Action Force sa Lanao del Sur ngayon May 2022 election matapos na ituring ng Commission on Election ang dalawang bayan sa lalawigan na kapwa hotspot category.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Police Major General Valeriano de Leon, nagtalaga na ang PNP-Special Action Force (SAF) ng ilang platoon sa bayan Tubaran at Malabang.


Nabatid na ang dalawang munisipalidad ay deneklarang under Commission on Elections (COMELEC) control dahil sa mga banta sa seguridad at karahasan sa darating na May 9 National and Local Election.

Inihayag din Maj Gen De Leon , sa isinagawang threat validation kaugnay sa nalalapit na eleksyon ay mayroong mga posibleng banta mula sa mga lokal na terorista sa Mindanao o Bangsamoro.

Napag-alamang na nakipag ugnayan na si Mgen De Leon kay COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan hinggil sa security isyu sa mga nasabing lugar.


Bunsod nito nakatakda umanong magsagawa ng inspection sa mga nabangit na lugar si Gen. Val De Leon at Chairman Saidamen Pangarungan .

Una ng inihayag ng COMELEC, na maglalabas sila ng listahan ng mga lugar na posibleng ideklarang nasa “red category” o mga hotspot areas natapos ang gagawin nilang validation. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PNP Special Action Force

You May Also Like

Latest News