Latest News

PNP-PRO 5 DIRECTOR GINAWARAN NG 7 MEDALYA NI PGEN CARLOS

MISMONG si Philippine National Police chief Police General Dionardo Carlos ang nag gawad ng parangal kay Bicol PNP chief PBGEN Jonnel C Estomo bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang dedikasyon bilang Regional Director ng Police Regional Office 5.

Pitong Medalya ng Kasanayan ang tinanggap ni PBGEN ESTOMO na personal na ibinigay ng Hepe ng Pambansang Pulisya sa ginanap na simpleng seremonya sa Multi-Purpose Building, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Tatlong Medalya ng Kasanayan ang kanyang natanggap sa pagiging ranked 1 ng PRO5 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa buwan ng Mayo, Agosto, at Setyembre sa nagdaang taon.


Binigyan rin si PBGEN ESTOMO ng apat pang Medalya ng Kasanayan sa pangunguna nito sa Individual Commanders Evaluation Rating (ICER) sa buong bansa noong buwan Mayo, Hulyo, Agosto at Setyembre ng nakaraan ding taon.

Siya ay nagsimulang manungkulan bilang Regional Director ng PRO5 noong Abril 23, 2021. Dito niya ipinamalas ang matinding pagnanais na gawing mas ligtas at tahimik ang rehiyong Bicol.


Ibinahagi nya ang hangaring magampanan ng maayos ang tungkulin ng bawat miyembro ng PNP Bicol sa pamamagitan ng extraordinaryong serbisyo na nakikita, nararamdaman at napapahalagahan ng publiko.

Katunayan nito ng pagka neyutralisa, ng napakaraming kalaban ng lipunan, mga nadakip at napatay na kalaban ng estado, pagkaka aresto sa napakaraming pinaghahanap ng batas na resulta ng walang humpay na manhunt at law enforcement operations. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police chief Police General Dionardo Carlos

You May Also Like

Most Read