PNP-“ Oplan Megashopper”… P201 PEKENG CROCS AT HAVAIANAS; 5 TSEKWA HULI ’

By: Victor Baldemor Ruiz

TINATAYANG nasa mahigit P200 million ang halaga ng mga pekeng produkto ang nasamamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ikinasang Oplan-Megashoppers sa Bulacan.

Sa ulat limang Chinese nationals ang dinakip ng PNP-CIDG matapos makuha sa kanila ang may P201-M na halaga ng pekeng Crocs at Havaianas sa dalawang araw na operasyon sa Bulacan.

Una nang nahuli sa aktong pagbebenta ng pekeng Crocs sandals sina Lin Chang Jiang, 33; Wu Gu Ding, 60; at Chu Jen Huang, 64; sa Kingsport Property Compound, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan.


Nakuha sa kanila ang 1,311 sako na naglalaman ng 62 libong pares ng pekeng Crocs na nagkakahalaga ng P180-M.

Nahuli naman sa follow-up operation kamakalawa sa Warehouse No. 3, Duhat Road, Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan sina Shuzhen Wang, 27; at Zhengfeng Lin, 37 dahil sa pagbebenta ng mahigit P1-M halaga ng pekeng Crocs.

Bukod dito ay nasamsam din ng mga operatiba sa naturang warehouse ang P20-M halaga ng pekeng Havaianas, Nike, at Adidas footwear.

Sa ngayon, tinutugis na ng CIDG ang supplier ng mga pekeng produkto bilang bahagi ng kanilang ‘Oplan Megashopper.


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like

Most Read