Latest News

PNP, NAKA-ALERTO SA PAGBABALIK NG MGA NAGBAKASYON NITONG UNDAS

By: Victor Baldemor Ruiz

NANANATILING naka-heightened alert ang puwersa ng Philippine National Police para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng libo-libong Pilipino na nagsipag uwian nitong ‘Undas.’

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig General Jean Fajardo, mananatiling nakabantay ang Pambansang Pulisya hangga’t makabalik na sa Metro Manila ang mga nagsipag-bakasyon sa kani-kanilang mga lalawigan nitong Todos Los Santos.

Samantala, inihayag ni Fajardo na maituturing na generally peaceful ang paggunita ng sambayanang Pilipino ng ‘All Saints’ Day’ at ‘All Souls’ Day’.


Wala umanong untoward incident na naitala ang PNP sa paggunita ng Undas 2024 sa buong bansa at ayon pa kay Fajardo, ‘generally peaceful’ ang sitwasyon sa iba’t- ibang sementeryo, mga terminal, pantalan at paliparan sa bansa.

Magugunitang mahigit sa 30,000 pulis ang ikinalat ng PNP sa mga ‘strategic points and places of convergence’ para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa panahon ng Undas.

Maliban dito, mayroon ding mga nakakalat sa mga tourist spots at mga pulis na patuloy na nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Kristine at Leon.

Samantala, ilalagay naman sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng government premises and installation ngayong Lunes, November 4, bilang araw ng paggunita o National Day of Mourning para sa may 150 nasawi sa pananalasa ng Tropical Storm Kristine sa bansa.


Idineklara ni Pangulong President Ferdinand Marcos, Jr. ang araw na ito bilang Day of National Mourning para sa mga biktima ng Bagyong Kristine na naka-apekto sa buhay ng mahigit pitong milyong Pinoy.

Ang Proclamation No. 728 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, bilang opisyal na kumakatawan kay Pangulong Marcos. Ang national day of mourning ay idineklara “in solidarity with the bereaved families and loved ones of those who perished due to the devastation” bunsod ng lupit ni TS Kristine.

Tags:

You May Also Like

Most Read