PNP, NAGTALAGA NG BAGONG NCRPO CHIEF

By: Victor Baldemor Ruiz

SIMULA kahapon ay opisyal nang nanungkulan ang hepe ng PNP-Central Visayas bilang acting regional director ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office.

Itinalaga ni PNP chief Police General Rommel Marbil si Police Regional Office 7 Director PBrig. Gen. Anthony Aberin bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kasunod ng inilabas na special order na nag-aatas para sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng NCRPO .


Magugunitang nitong November 6, 2024 ay pinatawan ng 10 days administrative relief si dating NCRPO acting Director Police Major General Sidney Hernia kasabay ni at PNP-Anti-Cybercrime Group Director PMGen. Ronnie Cariaga na nagwakas nitong November 17, 2024.

Bunsod umano ito ng kontrobersyal na pagsalakay sa sinasabing ‘mother of all scams hub’ sa sa Century Peak Tower sa Maynila, kung saan inaresto ang nasa 69 na dayuhan.

Ilang Chinese nationals ang naghain ng reklamo sa National Police Commission (Napolcom) laban kay Hernia at sa 14 niyang tauhan kaugnay sa diumano’y extortion, kasunod ng pagsalakay na pinangunahan naman ng PNP-ACG. Tahasang itinanggi ni Hernia ,na naging NCRPO chief lamang noong Oktubre 9, 2024, ang akusasyon.


Nabatid na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP na pinamumunuan ni PNP Deputy Chief for Operation PLtGen. Michael John Dubria sa kaso, kung saan pinalawig pa ng limang araw ang administrative relief ni Hernia na nagwakas nitong Biyernes, Nov. 22, 2024.

Kaugnay nito ay inilipat si Hernia sa Area Police Command for Southern Luzon simula kahapon.


Tags: Police Regional Office 7 Director PBrig. Gen. Anthony Aberin

You May Also Like

Most Read