Latest News

PNP, NAGPAKALAT NA NG 6,000 PARAK PARA SA KAPASKUHAN

NAGSIMULA nang kumilos kahapon ang may ng 6,000 tourist-oriented cops na ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao ngayong Yuletide season.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, inaasahan na ng PNP ang mas malaking bilang ng mga tao na daragsa sa mga pasyalan at pamilihan ngayong Christmas season .

Pangunahing layunin ng deployment ng karagdagang puwersa na paigtingin ang police visibility para maramdaman ng mamamayan na may police deterrent sa mga criminal elements, ligtas ang kapaligiran at kung saka-sakaling may untoward incident ay may mga awtoridad na matatakbuhan.

Inihayag pa ng tagapagsalita na may mga itinatag na mga police assistance desks sa iba’t- ibang mga transportation hubs at pangunahing daan, kasabay ng dagdag na deployment ng mga pulis sa mga mall, palengke, mga tiangge at mga pook sambahan lalo sa pagpasok ng Simbang Gabi at sa iba pang places of convergence.

Kung magugunita ay una nang ipinahayag ng PNP na 85 porsyento ng kanilang pwersa ang gagamitin sa seguridad ngayong Christmas season kaya kanselado ang lahat ng leave ng mga pulis epektibo sa Disyembre 15 hanggang Enero 10 ng susunod na taon. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read