NAGPAHAYAG na rin ng pagkabahala ang ilang opisyal ng Philippine National Police sa mga ulat na nagiging talamak na ang mga kasong kinasasangkutan ng mga armadong Chinese nationals sa bansa partikular sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng ulat na may tatlong hinihinalang Chinese kidnappers ang napatay matapos makipagbarilan umano sa mga awtoridad sa Parannaque City nitong mnakalipas na Linggo.
Sinasabing nauwi sa enkuwentro ang rescue operation na ikinasa ng PNP-Anti-Kidnapping Group at mga operatiba ng NCRPO-CPD at NCRPO Parañaque City Police .
Nasagip ng mga pulis ang dalawang biktimang chinese national na pinaniniwalaang kapwa mga PGO workers na inilagay sa loob ng kulungan ng aso .
Naisugod pa sa ospital ang mga di pa nakikilalang suspek ngunit dineklarang dead on arrival ang mga ito.
Narekober rin sa lugar ang ilang mga firearms, mga uniporme ng police, NBI, sundalo, at iba ibang plate numbers ng sasakyan.
Ipinag utos ni PNP-National Capital Region Police Office Director Mgen Vicente Danao na busisiin ng husto ang insidente.
Sinasabing nababahala na ang kapulisan hinggil sa dumadami ng kaso ng mga armadong Chinese national na sangkot kidnapping-for-ransom ng kanilang mga kababayan at iba pang Asian nationals na karamihan ay mga Philippine Offshore Gaming Operation workers.
Kabilang sa mga ulat na natanggap ni Mgen Danao ang pagkaka dakip sa Chinese nationals na sinasabing dumukot sa dalawang nilang kababayan at hinihingan ng P560,000 ransom bawat isa.
Magugunitang kamakailan lamang ay nagkaroon ng pag uusap s apagitan nina PNP chief Dionardo Carlos at Chinese Ambassador Huang Xilian para mapa-igting ang pagsugpo sa grupo ng mga Chinese national na nakipagsabwatan sa mga Pilipino crime group sa pagsasagawa ng kidnapping-for-ransom ng mga Chinese nagtatrabaho sa mga online casinos sa bansa.
Nagkaroon din ng pagpupulong ang mga local law enforcers at mga Chinese law enforcement officials para talakayin ang isyu hinggil sa law enforcement and security concerns na may kaugnayan sa crackdown ng mga illegal POGO activities, telecom fraud, drug-related crime at higit sa lahat kidnapping. (VICTOR BALDEMOR)