Latest News

PNP, MULING NAGPATUPAD NG BALASAHAN SA ORGANISASYON

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGPATUPAD muli ng panibagong balasahan sa hanay ng Philippine National Police si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, kung saan ang sangkot ay ilang matataas na opisyal ng organisasyon.

Kaugnay sa panibagong sigwada ng ipatutupad na reshuffle sa ilang PNP senior officers ay nagpalabas ng direktiba si Gen Marbil.

Base sa Special Order ng Unit Reassignment ng PNP na pirmado ni PNP Directorate for Personnel and Records Management PMGen. Sidney Hernia ay iniutos na palitan ang namumuno sa PNP Drug Enforcement Group.


Simula kahapon ay opisyal nang manunungkulan bilang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group si P/BGen. Eleazar Mata. Pinalitan nito si P/BGen. Dionisio Bartolome na itinalaga naman bilang bagong pinuno ng Personnel Holding and Accounting Unit.

Naapektuhan din ng balasahan ang PNP Civil Security Group na pinamumunuan na ngayon ni PMGen. Edgar Allan Okubo na hinugot mula sa PNP Directorate for Police Community Relations.

Si P/BGen. Romaldo Bayting naman ay itinalaga bilang bagong Area Police Commander sa Western Mindanao habang si PBGen. Jonathan Cabal naman ang papalit sa kanyang nabakanteng posisyon sa PNP Maritime Group.

Kung maaalala, ang panibagong rigodon na ito ay ikatlo na sa serye ng balasahan sa hanay ng PNP Senior officers sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen. Marbil na unang naghayag na hindi siya magpapatupad ng major revamp sa PNP Organization.


Tags: Philippine National Police si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil

You May Also Like

Most Read