PNP mayroon na 2,313 gun ban violators

UMABOT na sa kabuuang 2,313 ang nalambat ng Philippine National Police (PNP) na gun ban violators.

Ayon sa datos ng PNP nitong Linggo, 2,249 sa mga lumabag ay sibilyan, 40 security guard, 14 pulis, at 10 tauhan ng militar.


Nakumpiska mula sa 2,209 police operations ang kabuuang 1,785 na baril, 10,157 piraso ng bala, at 826 na nakamamatay na armas.

Samantala, sinabi ng PNP na karamihan sa mga lumabag ay naiulat sa National Capital Region (NCR) na may 854 na bilang; sinundan ng Calabarzon na may 250 indibidwal ang nahuli; at Central Visayas na may 241 katao.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read