MAY template na umanong nakakasa ang Philippine National Police na ilalarga para dakpin ang mga hinihinalang kasabwat o may kaugnayan sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naka-detine na ngayon sa The Hague, Netherlands, sakaling maglabas muli ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).
Inihayag ni PNP- PRO-III Regional Director at tagapagsalita ng pambansang pulis na si Police Brig.Gen Jean Fajardo, na may nakahanda nang “template” ang PNP para sa paghahain ng arrest warrant sa mga personalidad na may kinalaman sa anti-drug campaign noong Duterte administration.
Sinasabing nakahanda umanong tumulong ang PNP sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa paghahain ng mga possible pang warrant of arrest laban sa mga diumanoy “co-perpetrators” ni Duterte sa naging madugong war on drugs ng kanyang administrasyon na sinasabing kumitil ng buhay ng libo- libong katao.
Lantad naman umano sa publiko na hindi nag-iisa ang dating Pangulong Duterte na sangkot sa madugong war on drugs at aniya, alam naman umano ng lahat na maliban kay PRRD ay mga kasamahan din itong kinasuhan kaugnay pa rin sa isyu.
Nangangahulugan umano ito na sakali mang muling magpalabas ng notice ang Interpol sa posibleng warrant of arrest na ilalabas ng ICC ay nakahanda ang kapulisan para sa implementasyon nito.
Tinitingnan umano ng ICC ang mga naging papel ng dalawang dating PNP chief.
Samantala, nagpahayag na si Dla Rosa na nakahanda siyang sumuko sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya at wala na siyang makukuhang proteksyon mula sa Senado.
Hindi umao siya makikipag- barilan sa mga dati niyang tauhan at aniya, “I dont want to engage with my former subordinates in a gunfight. It’s gonna be useless. If they insist on bringing me to the ICC, then they can have me.”