PNP, MAY ‘PERSON OF INTEREST’ NA SA SEA GAMES MEDALIST KILLER

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG ng Philippine National Police na may tinututukan nang person of interest ang mga imbestigador na posibleng responsable sa pananaksak at pagpatay kay SEA Games gold medalist Mervin Guarte na kasapi rin ng Philippine Air Force.

Sa ipinarating na report ng Oriental Mindoro PNP sa punong himpilan ng Pambansang Pulis sa Camp Crame sa Quezon City ay sinasabing tuloy- tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga aktibidad ng itinuturing nilang person of interest.


Magugunitang si Guarte ay pinaslang habang natutulog Martes ng madaling araw sa bahay ng kaibigan nitong Barangay Kagawad sa Calapan City, Oriental Mindoro, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay Calapan City Police Chief LtCol. Roden Fulache may isang tao silang masusing binabantayan na hindi kasama ni Guarte sa kanilang drinking session na sinasabing nagsimula ng Lunes ng hapon at natapos Martes ng madaling araw.

Si Guarte ay kasapi ng Philippine Air Force na nakatalaga sa San Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas at naninirahan sa Barangay Malinaosa Naujan, Oriental Mindoro.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like