Latest News

PNP MAY KINASUHAN NA SA PAGKAWALA NG MGA SABUNGERO

SINASABING pormal nang naghain ng reklamo ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga taong sinasabing sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Hinala ng Philippine National Police, may sabwatan sa mga sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena bunsod ito ng umanoy ginagawang paglilihis ng mga sinasabing sangkot sa ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, naniniwala ang pulisya na malakas aniya ang kanilang kaso laban sa mga kidnapper dahil sa kanilang vital witness.

Nabatid na naghain na ng mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa walong suspek na may kaugnayan sa kaso ng pagkawala ng anim na mga sabungero.

Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng mga sabungero ang siyam na katao at anim na hindi pa nakikilala.

Sa isang statement, sinabi ng DOJ ang insidente ay nagmula sa pagkawala ng mga biktimang sabungero noong Enero 13 matapos na magtungo ang mga ito sa Manila Arena upang sumali sa anim na Cock Stag Derby.

Pinangalanan ng kagawaran ang mga respondents sa naturang reklamo na sina Julie Aguilar Patidongan alias “Dondon”, Mark Carlo Evangelista Zabala, Virgilio Pilar Bayog, Roberto Guillema Matillano Jr., Jonas Alegre Alingasa, Johnry Recapor Consolacion, Herolden Alonto, Gler Cudilla, at isang alias “Sir Chief”, at “John Does”.

Ayon sa DOJ, ang mga kinasuhan na mga miyembro ng security personnel ng Manila Arena ay sinasabing nagsabwatan umano ang mga ito nang pumunta sila sa cock house na kinaroroonan ng mga biktima ay sapilitang isinakay sa isang gray na van.

Hindi naman sinabi ng kagawaran kung ilan sa 34 na mga nawawalang sabungero ang iniulat na kinidnap at iligal na ikinulong ng security personnel ng Manila Arena. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read