Latest News

PNP MAKAKATUGON SA DEADLINE NG MALACANANG SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO

TINITIYAK ng Philippine National Police na makakatugon sila sa 30 araw na deadline na ipinataw ng Malacañang hindi lamang sa PNP kundgi maging sa National Bureau of Investigation, para makapaglabas ng resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa mga nawawalang sabungero na inuugnay sa online o e-sabong.

Matapos na magkaroon umano ng magandang update sa kanilang imbestigasyon ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na makakasunod sila sa itinakdang 30 araw na deadline ng Malacañang para makapaglabas ng positibong resulta sa kanilang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

May maganda na umanong itinatakbo ang imbestigasyon ng PNP-CIDG kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.


Sinasabing makipagpulong si Gen Carlos kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo An~o para sa case briefing.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa rin ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makapagharap ng kaso kaugnay sa sinasabing mahigit 30 nawawalang sabungero.

Ito ay sa kabila ng naunang pangako na noong nakaraang linggo ay maghaharap ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang CIDG laban sa mga security personnel ng Manila Arena kung saan huling nakita ang anim na kasama sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay PNP PIO Chief, PBGen. Roderick Alba, pinupursige ng mga tauhan ng CIDG ang imbestigasyon at unti-unti nang may mga nakukuhang ebidensya.


Magugunitang nagdesisyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na suspindihin ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero na umabot na sa 34, upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP at NBI. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read