Hindi magkakaugnay ang mga naganap na kidnapping sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, hindi magkakapareho ang motibo ng mga suspek sa mga nangyaring pag-kidnap.
“Itong mga insidente na ito ay masasabi natin na hindi naman talaga ito gawa ng isang grupo ng isang tao, ‘yung mga nahuli nating suspek at mga kasong ito ay kanya-kanyang silang may personal na motibo,” pahayag ni Fajardo.
Samantala, ipinag-utos umano ni PNP chief General Rodolfo Azurin, Jr. ang pagpapakalat ng kapulisan sa lansangan sa buong bansa.
“Pati ‘yung ating mga police na duty sa mga administrative work sila ay na rin po ay palalabasin na rin particularly ‘yung mga naka-assign po sa mga regional headquarters, national headquarters para makatulong po at ma-complement po ‘yung mga pulis po natin nagre-render ng patrol duties,” dagdag pa ni Fajardo.














