PNP CHIEF DUMALO SA INTERPOL MEET

KASALUKUYANG dumadalo ngayon si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., sa ginaganap na International Criminal Police Organization conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, bumiyahe ang PNP Chief para pangunahan ang 10-man delegation ng Pilipinas sa INTERPOL meet sa Abu Dhabi kamakalawa.

Sa ibinahaging impormasyon sa media ni Fajardo, nakatutok ang pulong ng Interpol ngayong taon sa pagbaka sa human trafficking, anti -cybercrime measures, kampanya kontra terorismo at ilegal na droga.


Ang Interpol ay taunang pulong ng mga lider ng law enforcement units ng iba’t- ibang mga bansa upang talakayin ang transnational crimes at magbahagi ng kani-kanilang ‘best practices’ para masugpo ang mga krimen at palaganapin ang kanilang international cooperation sa pagsugpo ng krimen.

Nabatid na magsisimula ang Interpol Conference ngayong Martes, February 7 at tatagal hanggang February 9, 2023.

Noong isang taon, dumalo din si PNP Chief Azurin sa Interpol conference sa India at France. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Jr., Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin

You May Also Like

Most Read