Latest News

PNP, BINIGYAN NG P4-BILLION PERFORMANCE BONUS

By: Victor Baldemor Ruiz

INAASAHANG nasa kanya-kanyang ATM card na ng may 200,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang “Performance Base Bonus” matapos na aprubahan ang pagre-release ng may P4-billion pondo para dito.

Base sa Special Allotment Release Order, ang PBB ay nagkakahalaga ng halos P4-billion na ipinamamahagi na ng pamunuan ng PNP para sa kanilang mga tauhan para sa Fiscal Year 2022.

Matatanggap ito ng mahigit 200,000 PNP personnel na mayroong “exceptional performance” at nakakuha ng total score na 80 points base sa itinakdang PBB Criteria and Conditions.

Sinabi ng PNP na sisimulan na nito ang pamamahagi ng kanilang performance-based bonus para sa fiscal year 2022 nitong Sabado, na inilagay na sa kanilang mga ATM payroll account.

Ang nasabing bonus na matatanggap ng kapulisan ay katumbas umano ng 52 percent ng kanilang buwanang sweldo simula Disyembre 31, 2022.

Gayunman, nilinaw ng pamunuan na ilang mga opisyal at miyembro ng rank- and-file ang hindi makakatanggap ng bonus dahil hindi naging kwalipikado sa PBB para sa fiscal year 2022 bunsod ng kasong kriminal at administratibo na kanilang kinaharap noong 2022.

Maliban dito ay nagkaroon din sila ng incomplete submission ng mga dokumento, mababang performance, extended leave at mga outstanding cash advance.

Paalala ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na gamitin ang bonus bilang ‘encouragement’ na maging mahusay sa kanilang larangan.

Tags:

You May Also Like

Most Read