PNP AT PDEA, WALA PANG REAKSYON SA ULAT NA PINOY ANG UTAK SA BIGONG 521 KILOS ‘SHABU INTRUSION’

By: JESSE RUIZ

Wala pang inihayag na reaksyon o kumpirmasyon ang Philippine National Police (PNP) at maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA_ sa pahayag ng Malaysian Police na posibleng Pilipino ang utak sa likod ng tangkang pagpapalusot ng may 521 kilo ng shabu na nasabat sa Laos.


Kasunod ito ng mga naglabasang ulat sa ilang kalapit- bansa na ipinasa na umano ng pulisya ng Malaysia ang pagkakakilanlan ng nag-book ng jet sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang matunton at maaresto ang pinaghihinalaang utak ng sindikato sa Pilipinas.

Tinangkang kunan ng pahayag ng Peple’s Online Tonight ang ilang opisyal ng PDEA kaugnay sa balitang ipinasa na umano ng pulisya ng Malaysia ang pagkakakilanlan ng nag-book ng jet sa PDEA upang matunton at maaresto ang pinaghihinalaang utak ng sindikato o utak sa likod ng pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu.

Ayon kay Bukit Aman Narcotics Criminal Investigation Department (NCID) Director Datuk Hussein Omar Khan, ang hindi pa pinapangalanang Pilipino ang siyang nag-book at nagbayad ng US$49,500 (humigit-kumulang ?2.9 milyong piso) para rentahan ang isang private jet. Ginamit ang eroplano para sa biyaheng Laos patungong Maynila, Pilipinas, kung saan idineklara ang kargamento bilang mga “vape products” upang itago ang daan-daang kilo ng iligal na droga.


Sa isang panayam, inihayag ni PDEA spokesman na “We cannot categorically states na dito (Pilipinas) talaga papunta yan because we are still waiting for the official report coming from our foreign counterparts.”

“This is a private jet that was allegedly hired by some individual. But, as to the complete details we are still waiting for the final reports,” ayon pa sa opisyal ng PDEA .




Kinumpirma naman ni Atty Calulut na isa ngang Pilipino ang naaresto sa sa isang airport sa Laos noong October 1 subalit hindi kinumpirma kung ang nasabing Pilipino ay drug courier dahil bineberipika pa ito.

Magugunitang naharang ng mga awtoridad sa Luang Prabang International Airport sa Laos noong Oktubre 1, 2026 ang nasabing pribadong eroplano (Learjet 55B) matapos tangkaing ibiyahe ang 23 maleta na isinakay mula sa dalawang sasakyan sa airport, kung saan 21 dito ang naglalaman ng kabuuang 500 pakete ng shabu na may timbang na 521 kilo.


Nabatid na maging si PNP chief General Jose Melencio Nartatez ay nagsabing bineberipika pa nila kung totoong sa pilipinas ang destinasyon ng nasabat na kontrabando.

“We are intensifying our intelligence monitoring and information sharing with regional counterparts to deny opportunities for illegal drugs syndicates either to operate in the Philippines or to make our country a transshipment point for illegal drugs,” ani Nartatez.



Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva at PHILIPPINE National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos

You May Also Like

Most Read