Latest News

PNP AT PDEA, MULING NAGSANIB PUWERSA; OPLAN ‘DOUBLE BARREL’, MULING IKINASA

LUMAGDA sa kasunduan sina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva at PHILIPPINE National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos para pag-isahin na lamang ang datos ng kanilang ‘nationwide implementation’ ng ‘Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at Philippine Anti-Drug Strategy (PADS).’

Target ng dalawang ahensya na higit pang palakasin ang kanilang kampanya kontra iligal na droga kasabay ng pagsasanib ng kanilang mga datos upang maiwasan ang kalituhan.

Ayon kay Gen. Carlos, paiigtingin ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang kampanya kontra iligal na droga ngayong papasok na sa new normal ang bansa.


Kasabay nito,muling ikinasa ng PNP ang kanilang mas pinaigting na anti-illegal drug campaign, na tinaguriang ‘Oplan Double Barrel 2022.’

Sinabi Gen Carlos na magsisilbi itong ‘endgame strategy’ ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Double Barrel operation na sinimulan noong 2016.

Samantala, pinasinayaan din ng pambansang pulis sa Kampo Crame ang Anti-Illegal drugs Operation thru Reinforcement and Education (ADORE).

Pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang seremonya kung saan panauhing pandangal si Department of Health Secretary Francisco Duque III.


Kaugnay nito, nilinaw ng heneral na tututukan ng Oplan Double Barrel Finale ang Rehabilitation, Reintegration and Recovery ng may 1.2 milyong nabiktima ng iligal na droga

“This is a commitment by the Philippine National Police that through the reinforcement, this is our rehabilitation, recovery, and wellness, and reintegration of the more than 1.2 million that surrendered,” pahayag ni Carlos.

“We will continue that and we will continue reducing the supply by our law enforcement function together with the Philippine Drug Enforcement Agency,” ani Carlos

Bahagi ang ADORE ng Oplan Double Barrel, kasama ang Oplan High-Value Target, kung saan tinutukan ang mga bigtime drug syndicates at ang Oplan Tokhang, kung saan target ang maliliit na drug pushers. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva at PHILIPPINE National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos

You May Also Like

Most Read