Pinapurihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary “Benhur” Abalos, Jr. ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP), maging ang local government ng Maynila, sa matagumpay na anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakasabat ng ?6.7 billion na halaga ng shabu.
Pahayag ng kalihim, isa itong game-changing accomplishment na sumasalamin sa katatagan ng administrasyong Marcos na sugpuin ang illegal na droga.
Halos isang tonelada o umaabot sa 990 kilo ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad nang walang dumanak na dugo at nag resulta sa pagkakabulgar illegal activities nang nadakip na pulis na miymebro din ng PNP Police Drug Enforcement Group PDEG.
Ayon kay Abalos, isa itong joint anti-illegal drug operation katuwang ang PNP at maging ang city government of Manila sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame ay pinapurihan din ni Abalos si Lacuna dahil sa naging partisipasyon ng lungsod para maging matagaumpay ang ikinasang bigtime buy-bust operation.
Kasunod nito ay nagbabala si Abalos sa PNP na di kukunsintihin ang mga miyembro nito na sangkot sa illegal drugs.
Kasunod ito ng pagkakasakote kay M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group sa mga ikinasang operasyon na nahulihan ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ?13.6 million.
Tiniyak ni Abalos na mahaharap si Mayo sa administrative cases kung saan posible siyang masibak sa tungkulin. (VICTOR BALDEMOR)