MAHIGPIT ang kautusan ngayon para buwaging ang lahat ng private armed groups (PAGs) at poten
Sa hanay ng Philippine National Police may direktiba si PNP Chief PGen. Rommel Marbil sa lahat ng Regional Directors na tutukan ang pag dismantle sa mga hinihinalang private armed Groups kaugnay sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Nakahanda naming suportahan ng Armed Forces of the Philippine na pinamumunuan ni Gen Romeo Brawner Jr. ang PNP sa pagtiyak na masusupil ang karahasan sa gaganaping May 12 Midterm election at kaunaunahang Bangsamoro Autonomous region for Muslim Mindanao parliamentary election .
Sa nasasakupan ng Region 9 ay nagsagawa na ng pagtalakay ang PNP PRO 9 Regional Director at AFP Western Mindanao Command hinggil sa ilalatag na security measures sa rehiyon kabilang ang nasasakupan ng BARMM
Kamakalawa ay nagkita sina PNP PRO 9 Regional Director Police Brig. Gen. Roel Rodolfo at Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete.
Tampok sa nagging talakayan sa pagitan nina Police Brig. Gen. Rodolfo atg LtGen Nafarrete ang upcoming 2025 Midterm election.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas sa kanilang security measures partikular sa panahon ng kampanyahan at sa mismong araw ng halalan para matiyak na magiging ligtas, maayos at mapayapa ang magaganap na eleksyon.
Samantala , nitong nakalipas na Lunes ay sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang liblib na barangay na saklaw special territory of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at nadiskubre ang napakaraming high powered firearms na itinuturing na largest haul sa Mindanao mula ng magsimula ang election gun ban.
Hinala ng militar na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Feedom Fighters at ng ekstremistang Dawlah Islamiya ang nasa likod ng nasamsam na firearms cache, na posibleng sinasamantala ang election season para mangalap ng pondo sa pamamagitan ng tpag aalok ng kanilang serbisyo bilang mga hired goons sa mga pulitiko.
Sinimulan ng military at pulis ang kanilang pinaigting na security measures ng magsimula na ang five-month election period para masawata ang mga magaganap na election-related violence.
Ayon kay Lt. Colonel Rod Orbon, taga pagsalita ng Army’s 6th Infantry Division and Joint Task Force Central, nasa 19 high-powered firearms ang nasamsam sa Barangay Lower Panangkalan, Pahamuddin town, na bahagi ng BARMM’s Special Geographic Area (SGA).