Latest News

PNP AT AFP, NAKATUTOK SA CYBERCRIMES; TEXT SCAMMERS, NAMEMELIGRO NA

POSIBLENG masawata na at mapanagot pa sa batas ang mga responsable sa cybercrimes at mga naglipanang text scams.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police matapos na makapag-apply na ang PNP ng cyber warrant.


Hinihinalang organized group ang nasa likod ng pagpapakalat ng text scam dahil text blast umano ang ginagawa ng mga ito kaya mabilis ang pagpapakalat ng mga kuwestyunableng text messages na may mga kaduda dudang internet or website links.

Sinasabing naghihintay na lamang ang PNP Anti-Cybercrime Group ng tugon mula sa judicial authorities para tuluyang malaman at mabuksan ang mga numero na responsible sa pagpapakalat ng text scam.

Doble-kayod umano ngayon ang Anti-Cybercrime Group ng PNP (PNP-ACG) para tuntunin at labanan ang grupo o individuals na nasa likod ng mga naglipanang text scam.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inihayag na ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Joel Doria na higit pa nila ngayong palalakasin ang isinasagawang cyber patrolling.

Batid umano ng PNP ang pangamba ng publiko sa text scam na ngayon ay personalized pa kaya naman iniimbestigahan na nila ito, ani Col Fajardo.


Sa hanay ng Armed Forces of the Philippines, inihayag ni Col. Medel Aguilar, pinuno ng AFP Civil Relation Service at tumatayong AFP spokesperson, na pinag-aaralan din nila ang suliranin hinggil sa cyber crimes .

Ayon kay Col. Aguilar, lubhang nakaka-alarma na ang suliranin hinggil sa cybercrimes at maging ang kumakalat ngayong personalized text scam.


Sinabi ng opisyal na pinag-aaralan na nila kung paano makakatulong ang kanilang mga cyber forensic experts at mga information technology personel sa pagtunton at pagsugpo ng suliranin ng bansa sa cybercrimes , text scams at maging sa may kaugnayan sa cyberterrorism.

“Cybercrime refers to any illegal activity carried out using computers or the internet. Cybercriminals — ranging from rogue individuals to organized crime groups to state-sponsored factions using techniques like phishing, social engineering, and all kinds of malware as part of their cyber attacks,” ayon sa isang eksperto sa cyber protection.

Napag- alamanan na kabilang ang Pilipinas sa mga nangungunang internet users na bansa sa Asya at karamihan sa mga ito ay may facebook at active Youtube profiles at Instagram account. Naging pangatlo rin ang Pilipinas sa buong mundo sa dami ng Facebook users kung saan halos pantay ang bilang mga mga babae at lalaking may FB account. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: PNP Anti-Cybercrime Group

You May Also Like