Latest News

PNP ANTI-NARCOTICS OPERATION NETTED P70.9 MILLION

By: Victor Baldemor Ruiz

Umaabot sa P70.9 million ang halaga ng droga na nasamsam ng Philippine National Police sa kanilang ikinasang anti-narcotics operation sa loob lamang ng sampung araw nitong unang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., mayroon nang mahigit ?70.9M na halaga ng iligal na droga ang kanilang nakumpiska sa pagpasok ng taong 2024.


Resulta umano ito ng ng 719 na anti-illegal drugs operation na inilunsad ng kapulisan sa buong bansa mula January 1 hanggang January 11.

Nalambat naman ng mga awtoridad ang 1,801 individuals na kabilang sa talaan ng mga wanted persons, bunsod ng mga kinakaharap nilang iba’t-ibang kaso.

Sa datos ng ibinahagi ng PNP na bahagi sa kanilang crime statistics, umaabot sa 155 katao ang kanilang nadakip sa kanilang kampanya laban sa loose firearms na nagresulta sa pagkumpiska ng 673 firearms.


Magugunitang ipinagmalaki ng PNP na bumaba ng walong porsyento ang kanilang naitalang ‘index or focus crime’.

Ayon sa PNP- Public Information Office (PNP-PIO), mula January 1 hanggang 11 ay nakapagtala lamang ng 759 focus crimes kumpara sa 1, 211 na insidente sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Ang walong focus or index crimes ay kinabibilangan ng mga crimes against person gaya ng murder, homicide, physical injury, rape at crimes against property gaya ng theft, robbery, car theft at motorcycle theft.

Inilantad din ng PNP na sa pagpasok ng bagong taon, umabot sa kabuuang 985 ang bilang ng mga alagad ng kapulisan ang tuluyang sinibak sa serbisyo.


Tags: Jr., PNP Chief Gen. Benjamin Acorda

You May Also Like