ITINAAS ng Philippine National Police ang antas ng kanilang pakikibaka kontra iligal na droga sa bansa subalit tiniyak na magiging makatao at hindi ito magiging madugo.
Ito ay kasunod ng paglulunsad ng “Buhay ingatan, droga’y ayawan” o BIDA Program sa Kampo Krame kahapon.
Ayon kay PNP OIC PLt. Gen. Rhodel Sermonia ang kaibahan ng kampanya kontra iligal na droga sa ngayon ng gobyerno ay hindi ito magiging marahasa.
Sinabi pa ni Sermonia, ito ay bunsod ng patuloy na pagkilala at pagrespeto ng Pambansang Pulisya sa human rights at pagtalima sa International Humanitarian Law at International Human Right Law.
Pero nilinaw ni Sermonia na mas magiging agresibo ang PNP sa paglaban sa iligal na droga kung saan tututukan ang demand at supply reduction kasabay ng pagsusulong ng drug rehabilitation sa mga mga drug dependents.
Paliwanag ni Sermonia, trabaho ng PNP ang supply reduction sa pamamagitan ng interdiction operations laban sa mga supplier, drug dealer at street pushers. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)