Maging ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ay nagpahayag na may pagdududa rin sa biglaang pagkamatay ni Jun Globa Villamor, ang sinasabing middleman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sa isang pahayag , ay sinasabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na hindi maalis na magduda ang ang taumbayan sa tila kwestyonable at biglaang pagkamatay ng sinasabing middleman.
Naiulat na posibleng mayroong foulplay sa biglaang pagkamatay ni Villamor dahil ito ay namatay ilang oras makaraang ilantad sa publiko ang pagsuko sa mga awtoridad ng alleged gunman na si Joel Escorial.
Samantala, kinuwestyon din ng kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ni Villamor dahil sa kawalan ng malinaw na timeline kung kailan isinagawa ang nasabing otopsiya at ang agarang pag-embalsamo sa bangkay.
Nabatid na kung nais muling isailalim sa otopsiya ng pamilya Mabasa ang mga labi ni Percy Lapid ay maaari silang makipag-ugnayan sa BuCor o sa Department of Justice (DOJ).
Pinag-aaralan umano ng pamilya Mabasa na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag hinggil pa rin sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Mabasa.
Samantala, nagpahayag din ng pagdududa ang kilalang forensic pathologists sa inilabas na dalawang-pahinang initial autopsy report ng National Bureau of Investigation hinggil sa pagkamatay ni Jun Villamor, isa sa umano’y middlemen sa paglikida kay radio broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa.
“What they released is just a 2-page memo. It is not a technical report,” ani Dr. Raquel Fortun sa isang TV interview.”
“So if you’re asking what was the cause of death, what’s written there is so vague. I don’t think you can come up with a conclusion. I suspect they don’t have a conclusion yet” anang forensic expert
Ani Fortun, ang inilabas na findings ng NBI ay isa lamang umanong general statement na nagsasabing walang nakitang physical injuries sa katawan ng bangkay.
“They must have searched for the obvious, okay, do you have bullet holes in the body? So they’re saying there’s none. No sharp force trauma, no blunt force, the obvious ones. But can you safely rule out, for instance, what’s more subtle, like asphyxia?” ani Fortun .
Sinasabing sa sakal o kawalan ng hangin ay kailangang suriin kung nagkaroon ng petechial hemorrhages. Ito umano ay mga pinpoint hemorrhages sa mukha , sa itaas na bahagi ng leeg, kung saan maaaring nagkaroon ng compression, mas mainam kung sinuri umano ang under the lids, eyelids, at ibabaw ng mata, paliwanag pa ng dalubhasa.
Hindi rin umano malinaw kung sinuri ang internal organs ni Villamor “I did not see for instance the heart findings detailed, and maybe if the heart is still there, I could examine it. You know, if you have a sudden death and what I know of this case is it was difficulty of breathing, if that’s correct?”
“Sudden death, you focus on the brain, you focus on the heart. Although you check everything else,” ayon pa sa forensic expert.
Kinuwestyon din ni Fortun ang agarang pag-eembalsamo dahil maapektuhan umano nito ang isasagawang pagsusuri sa bangkay at sa mga samples na kukunin mula sa bangkay. Sinasabing kontaminado na ng kemikal ang mga kukuning dugo at ihi .
“I really doubt, if you’re not a pathologist, how would you be able to know how to examine the organs, what to get, how much to get, what documentation that you do
Samantala nabatid na pinag aaralan ng pamilya Mabasa na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kaugnay sa kaso ng middlemen na kumontak ng killer para patahimikin si Lapid,
Ayon kay Atty. Bertini Causing, tagapagsalita ng pamilya Mabasa, magba-base sila sa pahayag ng confessed gunman na si Joel Escorial.
Dahil umano sa sa kapabayaan ni Bantag ay hindi makakapasok ang cellphone sa loob ng bilibid at walang magagawang transaksyon para mapatay si Mabasa.
Ito ang magiging dahilan ng administrative case laban kay Bantag liban pa sa posibilidad na criminal case na reckless imprudence resulting to murder. (VICTOR BALDEMOR)














