PNP-AKG CHIEF TULUYAN NANG SINIBAK DAHIL SA POOR PERFORMANCE

By: Victor Baldemor Ruiz

Tuluyan NAng inalis sa pwesto si Police Brigadier General Elmer Ragay bilang hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) kasunod ng pagdukot at pagkasawi ng isang businessman at driver nito

“We would like to confirm na-relieved po as Director AKG si General Elmer Ragay,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa mga mamamahayag

Ayon kay Fajardo, hindi kuntento si PNP chief Police General Rommel Marbil sa performance ni Ragay bilang AKG chief.


“Ito lang po ang pinapasabi ni Chief: He is not satisfied with the performance. That is why he (Ragay) was relieved and replaced,” ani Fajardo.

Inihayag ang tuluyang pagsibak kay Ragay kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ng umano’y dinukot na negosyanteng si Anson Que at sa driver nito.


Si Ragay ay pinalitan ni Police Colonel David Poklay, na nagsilbi bilang deputy director for operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Matatandaang natagpuan ang businessman na si Que at ang kanyang drayber na wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules.


Gayunman, kinabukasan ay ibinalik din si Ragay matapos ang kanyang administrative relief order dahil sa election period regulation.

Kinumpirma ni Fajardo na narekober na ang mga labi ng dalawang kidnap victims na sina Que at kanyang driver na si Armanie Pabillo sa Rodriguez, Rizal.

Sa ngayon, inaalam na ng pulisya kung kidnapping ang motibo sa krimen dahil madalas umano, kapag kidnapping for ransom ang kaso at nakapagbigay na ng ransom money ang kaanak ng biktima ay agad itong pinapalaya, taliwas sa nangyari sa negosyanteng at driver nito.#

Ayon sa Police Regional Office 4A (PRO 4A), nadiskubre ang mga bangkay ng isang concerned citizen sa Sitio Udiongan, Barangay Macabud bandang alas-6 ng umaga.

“The two bodies were placed in a nylon bag, tied with nylon rope and their faces were wrapped with duct tape,” sinabi ni PRO 4A public information office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran.

Matatandaan na inalis din sa pwesto si Ragay noong Pebrero sa isyung rescue operation para sagipin ang dinukot na 14-anyos na Chinese victim mula sa isang international school sa may Bonifacio Global City.

Tags: Police Brigadier General Elmer Ragay

You May Also Like

Most Read