Latest News

PNP, 100 PERCENT READY PARA SA PBBM INAGURATION…

“All systems go” na Philippine National Police(PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang iba pang security forces ng gobyerno para sa makasaysayang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Huwebes.

Dalawang araw bago ang pormal na panunumpa sa tungkulin ni PBBM , sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na halos 100 percent nang handa ang PNP sa kanilang inilalatag na seguridad sa National Museum.


Kaugnay din sa June 30 inauguration ay nagsagawa ng rehearsal para sa civic and military parade ang iba’t ibang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Nabatid na ang nasabing puwersa ay magsisilbi ding augmentation force kung kakailanganin ng tulong ng ,ga pulis at sundalong itinalaga para sa pangangalaga ng kaayusan at seguridad loob at labas ng National Mureaum kung saan gaganapin ang 17th President inaguration .

Sa bahagi ng Maria Orosa, nagsimula ang martsa ng mga kasama sa “parading units” na kinabibilangan ng mga personnel mula Philippine Coast Guard (PCG), mga tauhan ng PNP, Philippine Navy, Philippine Air Force (PAF) at iba pang mula sa PNP Academy at Philippine Military Academy (PMA).


Ipinakita rin ang mga sasakyan at assets mula sa mga mobile, trucks, tangke, iba’t ibang gamit ng AFP, PNP at PCG na ide-deploy sa araw ng oath taking ni President-elect Bongbong Marcos.

Layon ng rehearsal na matiyak na handang-handa na ang security forces para sa inagurasyon ng bagong pangulo sa June 30.


Dito, siniguro din na batid ng mga tropa ang kanilang gagawin sa araw ng oath taking ni BBM .

Habang sa Miyerkules naman o bisperas ng inagurasyon ay magdaraos muli sila ng huling rehearsal.


With only days before the inauguration of President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., the Philippine National Police (PNP) had not monitored any security threats to the ceremony.

Sa kasalukuyan ay wala pa umanong natatanggp ang PNP at AFP na ano mang credible threat na pipigil sa naturang event.

Subalit tuloy-tuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng PNP at maging ng AFP sa iba pa nilang sangay sa mga regional offices para i-validate ang mga natatanggap nilang impormasyon.



Una ng inihayag na nasa halos 15,000 na security personnel ang ide-deploy sa Huwebes para sa oath taking ng ika-17 president ng bansa sa National Museum of the Philippines sa Ermita, Manila. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: hilippine National Police(PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP)

You May Also Like