Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang plea ng negosyanteng si Cedric C. Lee na irekonsidera ang naging desisyon ng Taguig City Regional Trial Court noong 2022 na nagbasura sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa laban sa kanya at anim na iba pa ng komedyante at television host na si Ferdinand “Vhong” H. Navarro.
Nabatid na bukod kay Lee, sinampahan rin ng paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code sa Taguig City regional trial court (RTC) sina Deniece Millinette Cornejo, Bernice Cua Lee, Simeon Palma Raz Jr., Jose Paolo Gregorio A. Calma, Sajed Fernandez Abuhijleh at Ferdinand Guerrero.
Ayon sa korte, si Lee at kanyang lapwa akisado ay gumamit ng armas nang iditine si Navarro ss loob ng condominium unit ni Cornejo sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Gayundin,sinaktan,pinagbantaang papatayin at humingi din umano ng pera kay Navarro.
Sa reklamo, humingi ng P2 milyon sina Lee pero pumayag si Navarr na magbigay ng P1 milyon.
Ibinasura ng RTV ang apela ni Laee na idiamise ang kaso kaya iniakyat nito ang apela sa CA pero ibinasura ang kanyang plea kaya naghain siya ng motion for reconsiderstion.
“Generally, a defect pertaining to the failure of an information to charge facts constituting an offense is one that may be corrected by an amendment. In such instances, courts are mandated not to automatically quash the information, rather, it should grant the prosecution the opportunity to cure the defect through an amendment,” nakasaad sa resolusyon isinulqt ni Associate Justice Angelene Mary W. Quimpo-Sale sapagbasura sa mosyon ni Lee.
Ang serious illegal detention for ransom case ay may kaugnayan sa kasong rape na isinampa ni Cornejo kay Navarro.
Nabatid na pinagtibay ng Department of Justice (DOJ) ang ginawang pagbasura ng prosecutor sa kasong ‘rape and acts of lasciviousness’ na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro.
Gayunman,noong Hulyo 21, 2022 ay pinayagan ng CA ang petisyon ni Cornejo na nag-atas sa DOJ na isampa ang reklamong kriminal sa RTC.
Kinuwestiyon naman ni Navarro ang ruling ng CA sa Supreme Court na nag-utos na ibasura ang kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ni Cornejo against.
Ang desisyon ng SC ay isinulat ni Justice Henri Jean Paul B. Inting, na nag-rule na nagkamali ang CA sa pag-atas sa DOJ na muling buhayin ang kasong rape laban kay Navarro sa kabila ng mga ” inconsistencies’ ss reklamo na isinampa ni Cornejo.













