Latest News

PITONG REBELDE SA MASBATE, SUMUKO SA OTORIDAD

Nagbukas ang panibagong pag-asa para sa isang maayos at tahimik na buhay sa pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) nang magpagsyang sumuko ang mga ito sa hanay ng gobyerno.

Dakong 12:30 ng hapon sa Brgy. Bonifacio, Uson, Masbate, apat na kasapi ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, COMPROB Masbate ang sumuko sa mga operatiba mula sa PIT5-RIU5; Uson MPS; CIDG Masbate PFU; 96 MICO; 2IB PA; 2nd PMFC at PIU Masbate PPO.

Ang grupong ito ay nakatuon ang operasyon sa ikatlong distrito ng Masbate sa ilalim ng pamunuan ni Raul Tolingin a.k.a Ka Dadi.

Samantala, dakong 4:30 ng hapon naman, tatlong miyembro ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 4 ang nagbalik loob sa pinagsamang operatiba ng RIU5-SCIT, Milagros MPS, PIT Masbate, RID PRO5, PIU-Masbate , 31st IB PA at 93rd CIP MIB 9ID PA.

Isinuko rin ng mga ito ang isang kalibre .38 rebolber na walang serial number at anim na bala.

Ang mga ito at sumailalim sa debriefing at mapapabilang rin sa program ng pamahalaan na Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP. Ito ay isang proyekto ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng iba’t ibang tulong, kaalaman at kasanayan sa former rebels na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: , , , , ,

You May Also Like

Most Read