PITONG PASAHERO NG LUMUBOG NA BANGKA, NASAGIP NG PH MARINES NA MAGHAHATID NG BEIs

TIMING ang pagkaligtas ng mga kagawad ng 2nd Marine Brigade ng Joint Task Force Tawi-tawi na naatasang maghatid at mag escort ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) sa pitong pasahero ng tumaob na bangka sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Phil. Marine commandant Mgen Nestor C. Herico, ang kanyang mga tauhan ay naatasang sumundo at mag-escort sa mga board of election inspectors at vote counting machines mula sa Lato-Lato Elementary School nang mamapuna nila nila ang tumaob na banka sa bisinidad ng Barangay Lato-Lato at mga sakay nitong humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng ilaw.


Naabutan ng trop ng 2nd Marine Brigade ang pitong biktima na nakakapit sa tumaob na banka ma kinilalang sina: Nurkaiza Maduid, 42-anyos; Nadania Aripin, 31; Sherie Abdulasan, 52; Arzaida Monteron, 33; Apra Tuanpanis, 12; Omar Tuanparis, 29; at Sadeeq Taunparis, 30.

Ang mga biktima na pawang mula sa Barangay Lamion, ay dinala ng mga tropa sa headquarters ng 82nd Marine Corps sa Lamion Wharf.

Pinuri naman ni 2nd Marine Brigade commander Brig. Gen. Romeo Racadio ang mga tropa sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa gitna ng kanilang pagganap ng kanilang election duty.


Pinuri naman ni 2nd Marine Brigade commander Brig. Gen. Romeo Racadio ang mga tropa sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong Sa gitna ng kanilang pagganap ng kanilang election duty. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: 2nd Marine Brigade

You May Also Like

Most Read