By: JANTZEN ALVIN
Pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ang inilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) upang ma-monitor ang kanilang mga biyahe.
Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary and spokesperson Mico Clavano ang order na nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ,kahapon ng umaga.
Sa ilalim ng ILBO ay maari silang lumabas ng bansa pero imu-monitor ang kanilang mga biyahe.
Nakatakdang ipadala sa Bureau of Immigration (BI) ang order para sa.pagpapatupad nito.
“The Secretary has signed the ILBO, which will enable the BI to monitor the travel activities of these seven OVP officials. It’s important to clarify that the ILBO does not restrict their travel but simply monitors if they leave or re-enter the country,” ani Clavano .
Ginawa ang pag-isyu ng ILBO kasunod ng kumpirmasyon na ang Chief of Staff ng OVP na si Undersecretary Zuleika Lopez ay lumabas ng Pilipinas para sa isang personal trip at sa Nobyembre 16 pa babalik.
Una nang humiling ng ILBO si Representative Joel Chua, chairman ng House committee on good government and public accountability, bilang bahagi ng imbestigasyon sa OVP sa paggamit ng kanilang budget,kasama na ang paggastos ng confidential funds.