Pito, arestado ng NBI sa pag-okupa sa forest land

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal dahil sa pagsakop ng forest land kamakailan sa Palompon,Leyte.

Kinilala ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang mga naaresto na sina Christian David Calo Madrona, Milven Gonzaga Cardello,Domingo Borinaga Bulahan,Sunny Boy Merced Isidto,Bryan Joseph Magallanes, Jonathan Cabo Calo at Gina Labor Quimbo.


Nag-ugat ang operasyon matapos na ireklamo ang isang poultry establishment na itinayo sa loob ng lupain na kinlasipika bilang Timber land/ Forest land sa Barangay Latosan,Palompon, Leyte.

Kinilala ng NBI-EnCD na “Zachary farm” sa pamamagitan ng isinagawang mga surveillance at isinagawang beripikasyon sa Department of Environment and Natural Resources Region VIII kung saan wala umanong ibinigay na permit sa kahit na sinong indbiduwal para makapagtayo ng istruktura.

Nabatid na nitong Enero 17, pinuntahan ng NBI ang lugar dahilan ng pagkakaaresto ng pitong indibidwal.


Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 78 in relation to Section 20 of P.D. 705 otherwise known as the “Revised Forestry Code of the Philippines” ang mga suspek. (Carl Angelo)


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Latest News