Latest News

Pitong katao, arestado sa NBI dahil sa illegal quarrying

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ,ang pitong indibidwal na sangkot sa anti-illegal quarrying operation kamakailan sa may Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Kabilang sa mga inaresto ng NBI-EnCD ang mga suspek na sina Bonbon Camanian,Marcial Bustamante, Jomar Marigondon,Ricky Buenaventura,Rustian Villamora,Richard Evangelista at Rodel Pangilinan.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng impormasyon ang NBI-EnCD na may ilang indibiduwal na nagku-quarrying sa lugar at walang permit at clearance mula sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ng Rizal at sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) Region IV-A.


Kaagad nagsagawa ng serye ng surveillance ang NBI-EnCD at nang makumpirma ang illegal na quarrying activities ay kaagad na ikinasa ang operasyon na sanhi ng pagkaka-aresto sa mga suspek noong Mayo 25,2023.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 103 of R.A. 7942,Ang mga suspek sa Rizal Provincial Prosecutors Office.


Tags: National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD)

You May Also Like

Most Read