PITONG KANDIDATO, NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA SA CONGRESSIONAL RACE NG IKA-2 DISTRITO NG ANTIPOLO

By: Itchie G. Cabayan

UMABOT sa pito ang bilang ng kandidato na naghain ng kandidatura para sa special congressional race na idaraos ng Commission on Elections (Comelec) sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14, ang posisyong iniwan ng yumaong si Rep. Romeo Acop noong Disyembre ng nakalipas na taon.


Ayon kay Comelec Chair George Garcia, ang mga naghain ng certificates of candidacy (COC) para sa naturang special polls ay sina Dandin Infante, Reden Llaga, Lorenzo Juan Sumulong III, Ma. Trinidad Cafirma, Philip Conrad Acop, Nathaniel Lobigas at Irvin Paulo Tapales.

Idinaos ng Comelec ang panahon ng paghahain ng COCs para sa naturang special elections noong Pebrero 5 hanggang 7, 2026 habang itinakda naman ang campaign period para sa naturang halalan sa Pebrero 12 hanggang Marso 12.

Ani Garcia, pormal na magsisimula ang campaign period sa Pebrero 12 hanggang Marso 29, 2026.


Ang Comelec ay nagtakda ng special elections sa Antipolo City 2nd District bunga ng pagyao ni Acop.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like