PITONG HUMAN TRAFFICKERS NA NAG-AALOK NG SEX GAMIT ANG MENOR DE EDAD, HULI SA NBI

By: Jerry S. Tan

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation– Cybercrime Division (NBI-CCD) ang pitong kataong sangkot diumano sa human trafficking sa isinagawang entrapment at rescue operation noong Hunyo 27, 2024 sa Quezon City.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naaresto na sina Moises Bognot, Jermaine Villanueva, Glenn Paolo Solijon, Darwin Tagalog,Lance Clifford Ungriano, Nighjer Teriote at Zhang Wenyou na Chinese national.

Ang operasyon ng NBI-CCD ay naganap matapos makatanggap ng liham mula sa La Familia Rescue, isang non-profit organization.


Nagsumbong ito na may ilang indibiduwal umanong sangkot sa human trafficking ang nag-aalok ng sex na serbisyo sa mga foreign nationals gamit ang mga menor de edad sa halagang P5,000 hanggang P45,000.

Ayon kay Santiago,noong Hunyo 27,2024 ay ikinasa ang operasyon sa Quezon City na nagresulta ng.pagkaaresto kina Bognot, Villanueva, Solijon, Tagalog at Ungriano.

Doon ay nasagip ang pitong menor de edad at tatlong Russian Nationals at isang Kazakhstan National.

Nakalap ng NBI-CCD na sina Nighjer, Teorite at Zhang Wenyou ang mga mastermind sa human trafficking operations na naaresto sa isang casino at hotel sa isang operasyon sa Paranaque City.


Napag-alaman rin na diumano ay mga Chinese nationals na naka-base sa bansa ang umano ay nasa likod kung bakit nakapasok sa bansa ang mga Russian nationals.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 9 (Qualified Trafficking in Person) of R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang mga suspek sa Quezon City Prosecutors Office.

Tags: National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD)

You May Also Like

Most Read