Latest News

PITONG BIFF MEMBERS PATAY SA SAGUPAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

PITONG kasapi ngBangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction ang napatay sa isinagawang joint law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at Philippine National Police (PNP) SA Barangay Damawato, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, Commander ng Joint Task Force Central, naglunsad ng law enforcement operation ang kanyang mga tauhan na armado ng Search Warrants No. 01-2023 at 02-2023 kaugnay sa paglabag sa RA 10591.

Target ng operationsina Nasser Yussef Hussain, a.k.a. Tutin Usop at Nurjihad Husain, a.k.a. Datdat Usop.


Subalit bago pa makadikit ang mga sundalo sa pinagtataguan ng kanilang pakay ay sinalubong na sila ng sunod sunod na putok ng grupo ng BIFF na agad na ikinasugat ng isang police personnel.

Kaya napilitan nang gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan na nag resulta sa kamatayan ng pitong kasapi ng teroristang grupo kabilang ang dalawang pakay ng arrest warrant.

Kaugnay nito anim na iba’t ibang uri ng baril na kinabibilangan ng isang Uzi machine pistol , dalawang M16 rifles, at tatlong caliber .45 pistols at mga bala ang nasamsam sa encounter site.

Mabilis namang nailikas ang sugatang pulis at naitakbo sa isang pagamutan sa Tacurong City para malapatan ng kaukulang medical attention.


Pinapurihan ni Lt. Gen. Roy Galido, Commander ng Western Mindanao Command, ang mga tauhan ng Joint Task Force Central sa kanilan naging accomplishment.

“Our troops will continue to work with other law enforcement agencies to quell terrorism and other criminalities. Our collaborative efforts ensure that terrorism and lawlessness have no place in our area of operation,”dagdag pa Lt. Gen. Galido.

Tags: Armed Forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read