PITO PINANGANGAMBAHANG PATAY, 2 NAWAWALA SA MAGNITUDE 6.8 EARTHQUAKE

By: Victor Baldemor Ruiz

KASALUKUYANG binavalidate ngayon ng Office of Civil Defense ang ulat na may pitong katao ang nasawi, 2 ang nawawala at may 2 malubhang nasugatan kasunod ng Magnitude 6.8 earthquake na yumanig sa Southern Mindanao kamakalawa ng hapon, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Director Edgardo Posadas ng NDRRMC ang nasabing bilang ay kasalukuyan nilang kinukumpirma kung saan tinutukoy na may isang nasawi sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, isa sa Malapatan at dalawa sa Glan na kapwa nasa lalawigan ng Sarangani.


May tatlo rin reported death sa General Santos City .”Mayroon tayong reported missing, dalawa ; Mayroon tayong reported injuries, pero initial report pa lang, dalawa. Mayroong naitala na 450 indibidwal that required medical care,” pahayag ni Posadas.

“May babaeng nagtatrabaho sa parlor na hindi nakalabas agad. Namatay… tapos mag-asawa na parang natumbahan ng pader sa isang compound,” sa ibinahaging report ni General Santos Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao.

“Ni-raise natin ang ating alert kahapon to Blue. Ibig sabihin niyan… mas maigting ang pagbabantay natin physically lalo na ang particular services, lalo na sa uniformed services, sa PNP, Coast Guard, at Bureau of Fire Protection,” ani Posadas.


Ibig ding sabihin ng nasabing alerto, lahat ng kanilang tauhan ay nasa 24-hour duty at nakahanda ang lahat ng mga hospitals at mga health facilities tumugon sa mga emergencies at lapatan ng lunas ang mga casualties.

Iutos din ng NDRRMC na kailangan nakahandang mamahagi ng gamot at mga medical supplies sa mga affected areas.


Kahapon ay muling nagpulong ang NDRRMC response cluster sa buong bansa para sa kanilang tuloy tuloy na assessment.

Kaliwa’t kanang pinsala ang naitala sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental bunsod ng paggalaw ng Cotabato Trench ayon sa Phivolcs.


Bukod sa mga nasirang shopping mall mga nagbagsakang kisame at display ay mga mga nawasak ding mga bahay.

Ayon kay Marie Doria ng Don Marcelino, Davao Occidental MDRRMO, isang bahay sa Barangay Kinanga ang totally damage habang 14 na kahabayan ang partially damage sa Barangay Lawa.

May dalawang government facility rin ang bahagyang napinsala.



Sa Matina, Davao City, bumagsak ang isang crane at mga debris mula sa tuktok ng ginagawang condominium building.

Halos buong SOCCSKSARGEN naman ang nawalan ng suplay ng kuryente kasunod ng pagtama ng lindol.

Isang classroom sa isang eskwelahan sa Barangay Apopong sa General Santos City ang umano’y nahati.

Samantala, apektado ng landslide ang kalsada sa boundary ng Glan at Malapatan sa Sarangani kung saan nagbagsakan ang malalaking bato.

Ayon kay Sarangani PDRRMO Head Rene Punzalan, nasa 50 estudyante ng Alabel National High School ang nasaktan at hinimatay dahil sa panic.

Ilang mag-aaral din sa Koronadal ang dinala sa ospital matapos mawalan ng malay dahil sa stampede habang inilikas naman ang ilang pasyente ng South Cotabato Provincial Hospital dahil sa takot na gumuho ang gusali.

Ilang empleyado naman ng Mall of Ace Centerpoint ang nadaganan ng nagbagsakang gamit habang bumigay rin ang kisame ng Gaisano Mall.

Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like