Latest News

Larawan ng nasusunog na fastcraft. (Jane dela Cruz)

PITO PATAY , 24 SUGATAN SA NASUNOG NA FERRY BOAT

UMABOT na kahapon sa pito ang bilang ng nasawi habang 24 naman ang sugatan, tatlo rito ang kritikal sa nangyaring pagkasunog ng isang ferry boat sa karagatan sakop ng Real, Quezon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), all accounted na ang lahat ng pasahero at crew ng nasunog na fast craft na kinabibilangan ng 126 pasahero at 8 crew members ng MV Mercraft 2.

Ayon sa Coast Guard, 103 sa mga na-rescue ay walang injuries habang 24 ang injured.


Samantalang limang babae at dalawang lalaki ang mga nasawi.

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo na pito ang nasawi, matapos masunog ang RoRo vessel .


As of 11AM update naman ng PCG tungkol sa sitwasyon ng 134 pasahero at crew, nasa 120 ang nailigtas kung saan 24 ang sugatan habang tatlo ang kritikal.

Nabatid na alas-5 kahapon ng madaling araw nang bumiyahe ang naturang sasakyang-pandagat mula sa Polillo Island at sinasabing halos isang kilometro na lamang ang layo sa Port of Real nang magsimula ang sunog.


Sa ibinahaging ulat ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na nagmula sa engine room ng barkong MV Mercraft 2 ang apoy na naging dahilan sa pagkasunog ng fastcraft .

Habang hinatak naman patungong Baluti Island, Bgry Cawayan, Real, Quezon ang nasunog na ferry matapos na maapula ang apoy bandang alas 10:00 ng umaga.

Liban sa PCG, tumutulong din sa SAR operation ang iba pang mga RoRo vessels na nasa lugar. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like