Latest News

Pito pa nadagdag sa naputukan

May pito pa ang nadagdag sa bilang ng mga nadisgrasya ng paputok sa nakalipas na 24 na oras sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay 39% na mas.mataas kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehas na panahon.


Ayon sa DOH fireworks-related injury surveillance report, nasa 32 na ang bilang ng mga taong nasugatan sa paputok mula Disyembre 21 hanggang 28.

Sa nabanggit na bilang, pito ang naitala sa Western Visaya at tig-apat mula sa Bicol Region at Soccsksargen, habang sa Central Visayas at National Capital Region (NCR) ay naitala ang tig-tatlong kaso,samantalang tig-dalawa naman sa Ilocos Region, Central Luzon, Mimaropa at Davao Region .

Tig-isang kaso naman ang nairehistro sa Cagayan Valley, Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).


Nabatid na 16 sa nasugatan ay tinamaan sa mata,12 sa braso, at tig-isa sa ulo, leeg, dibdib, likod at paa.

Ayon sa DOH, 22 biktima ang naputukan sa bahay ,10 naman sa kalsada at lima ang lasing nang maaksidente.


Kabilang sa pangunahing paputok na nakasugat ay ang boga, whistle bomb, 5-star, kwitis, at camara. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like