DAHIL sa nakakabulahaw na ingay ng tambutso ng motorsiklo sa madaling araw, pitong individual ang dinampot ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Quiricada St Tondo, Manila.
Dahil dito , pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code( Alarms and Scandal ) sina Mark Angelo Signey, 20 ng Franco St.Brgy.91 , Tondo ; ang kapatid nitong si Mark Jason, 22 ng Juan Luna St., Brgy.9 , Tondo ; John John Narag, 21 ng Yakal St., Brgy.255, Tondo ; Dante Revelleza, 32 anyos ng Tiago St., Brgy.369 Sta.Cruz ; Francis Alit, 19 ng Kalimbas St.Brgy.364 , Sta.Cruz , mga pawang Tricycle driver , kasama ang dalawa pa na sina Raymart Lansuela, painter ng Tiago St., Brgy.372 at Gerald Darwin Cabalteja, 19 ng Herbosa St.Tondo.
Batay sa ulat na isinumiti ni P/ Cpl.Kervin Laiz , kay P/ Lt.Col.Harry Ruiz Lorenzo lll , Commander ng MPD- Moriones Police Station 2 , bandang 4:30 ng madaling araw , nang makatanggap na ulat ang Bambang Out post sakop ng Station 2 ang mga nagkakarerang motorsiklo na walang sidecar sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.
Dahil dito inoobserbahan muna ni P/ Cpl.Ezekiel Job Mauricio at Pat. R John Evangelista ang lugar at dito na nila namataan ang ingay ng tambutso ng mga motorsiklo
Nakita din ng mga awtoridad ang mga nag aabang na kapwa tricycle driver at dalawa pang pumupusta kung sino ang mananalo , na sa panulukan ng Jose Abad Santos at Quiricada St., na ginagawa nilang finishing line.
Dahil dito isa isang binitbit ang pitong lalaki ns involve sa karera ng motorsiklo.
Bago itinurn over sa naturang himpilan ng pulisya pina-medical muna ang pito sa Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center .
“May mga report sa amin na tuwing madaling araw yang mga tricycle driver nagpupustahan sila sa karera ng motorsiklo at tiyempo naman na may nakapagsumbong sa Bambang out post,kaya malamang na madadala na silang magkarera , nasawata na nga namin yun mga kabataan na nag ra riot sa madaling araw ito namang karera ang pumalit ” pahayag ni P/ Lt.Col.Lorenzo. (Carl Angelo)