PISTON, magsasagawa ng 3 araw na transport strike

By: Baby Cuevas

Magsasagawa ng tatlong araw na transport strike ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) simula Nobyembre 20 hanggang 23 para tutulan ang public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno.

Ang transport strike ay isasagawa bago ang Disyembre 31,2023 deadline ng gobyerno sa PUVMP.


“Masaker ito sa ating kabuhayan sa pamamagitan ng pang-aagaw sa ating prangkisa, upang magbigay-daan sa monopolyo kontol ng malalaking korporasyon sa transportasyon,” ayon sa PISTON.

Nabatid na ang PUV modernization program ay sinimulan noong 2017, sa layunin na palitan ang mga jeepney ng Euro 4-compliant engine para mabawasan ang polusyon na tinutulan ng mga operators dahil aabot ang kanilang gastusin ng mahigit P2 milyon.

Nilinaw naman ng mga Transport officials na.maari pang mag-operate ang mga tradisyunal na jeepney kahit na lumagpas ang deadline kaya lamang, dapat bn lumahok sa joint transport cooperatives para maiwasan ang “on-street competition” sa panig ng drivers at operators.


Napag-alaman na noong Hunyo 30, 2023 ang orihinal na deadline pero pinalawig pa ito kasunod ng anunsiyo na transport strikes noong Marso 6 hanggang 12.


Tags: Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON)

You May Also Like

Most Read