Latest News

Pirma ni Guo sa CA at attendance sa Senado, magkaiba

By: JANTZEN ALVIN

MAGKAIBA umano ang pirma sa isinumiteng counter-affidavit ng pinatalsik na si Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo na may notaryo ng kanyang abogado na si Atty.Elmer Galicia kumpara sa kanyang pirma sa “attendance” sa isinagawang pagdinig ng Senado noong Setyembre 9,2024.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ito ang lumabas sa isinagawang pagsusuri ng NBI Document examiner sa mga pirma ni Guo sa kanyang counter- affidavit noong Agosto 14 at sa pirma niya sa attendance sa Senado, gayundin ang kanyang pirma sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN).

Nangangahulugan umano ito na ibang tao ang pumirma sa counter -affidavit ni Guo.

Ani Santiago, isa umano ito sa gagamitin na ebidensiya ng NBI sa kaso ni Guo na may kinalaman sa pagkakasangkot niya sa POGO sa kanyang hurisdiksyon.


Aalamin din umano ng NBI kung sino ang pumirma sa CA ni Guo.


Tags: Alice Guo

You May Also Like

Most Read